For you que-que :)
December 28, 2009Tula para sayo
Gusto kong gawan ka ng tula
Kahit na kay hirap maging makata
Kahit na hindi magkaka-tugma
Para sa’yo pipilitin kung maging tama
Sa tuwing ika’y aking nakikita
Alam mo bang ako’y natutuwa?
Sa A.S.L lang tayo’y nagsimula
Hanggang gusto mo na akong makita.
Gusto kong pagmasdan ka sa webcam.
Ang mukha mong kay sungit tingnan.
Tila ba daigdig mo’y pasan-pasan
Hoy! Sunget sige na, ngumiti ka naman!
Tatapusin ko ba ang tula na ito?
Oh’ ibibitin tulad ng damdamin ko
Hindi pa masabi, kung ano ang totoo
Kaya puede ba, magkulitan muna tayo?
Panapanahon lang yan
June 20, 2009Kanina umaga pag gising ko meron akong offline message sa isang kaibigan ko. The way sa pag type ng tawag nya sakin at kasunod na buzz, naramdaman ko agad na there’s something wrong at kelangan nya ng kausap.Kaya kahit pupungas-pungas pa ako at hindi pa nakakahilamos at toothbrush mas minabuting sagutin ko muna ‘yung pm nya sakin. Hindi nga ako nagkamali ng hinala.Nagyaya ng inuman at gusto nyang maglabas ng sama ng loob at nalulungkot daw sya. As usual tungkol sa puso at pag-ibig.
(more…)
Love or Career?
June 18, 2009
kaibigan (6/18/2009 3:01:57 PM): zxxx
kaibigan (6/18/2009 3:01:58 PM): andyan kba?
You and my Guitar (6/18/2009 3:02:31 PM): bkit ****?
kaibigan (6/18/2009 3:02:36 PM): yes
kaibigan (6/18/2009 3:02:38 PM): its me ****
kaibigan (6/18/2009 3:02:48 PM): medyo nagkakaproblem kami ni ***
kaibigan (6/18/2009 3:02:53 PM): anu gagawin ko
kaibigan (6/18/2009 3:05:14 PM): kase sa sobrang busy ko diko na sya nabibigyan ng time
kaibigan (6/18/2009 3:05:29 PM):tpos pag tatawag sya sakin naiinis ako dahil pagod nko at stress
kaibigan (6/18/2009 3:06:54 PM): i dnt wanna lose her
You and my Guitar (6/18/2009 3:07:57 PM): sory **** ha
You and my Guitar (6/18/2009 3:08:06 PM): blank din utak ko e
kaibigan (6/18/2009 3:08:32 PM): ah ganun ba
(more…)
"Ganyan talaga"
June 17, 2009Sabi mo’y pagod ka na
At ayaw ng lumaban pa
Sa pagsubok sa buhay
Tila ika’y susuko na
Dahil sa bigat ng ‘yong dinadala
Lungkot sa Tag-ulan
“Hirap na hirap at pagod na pagod na ako. Di ko na kaya talaga e…paulit-ulit na lang na ganito. Bakit ako pa? masama ba akong tao para magkaganito?”
Madalas ganito ang maririnig sa taong nalulungkot, mararamdaman mo ung paghihirap ng kalooban nya. Minsan madadala ka at mapapaiyak ka rin, kasi hindi dahil sa naawa ka, dahil kung alam lang ng kausap mo na hindi naman kayo nagkakaiba ng nararamdaman.
(more…)
POSER!!!
June 7, 2009
Posera ka ba? Ilan na ba ang nagoyo mo? Or kung nabiktima ka ng poser, ilang beses na ba? (LOLZ!) mapapa lolz ka talaga kapag nabiktima ka ng ganitong mga tao sa chat.
Madami nito noon pa man hanggang ngayon. Hindi na ito mawawala, hangga’t meron nagpapaloko meron talagang manloloko.
(more…)
LDR-Long Distance Relationship
June 6, 2009
Marami ang meron ganitong relasyon pagdating sa larangan ng cyber world. Hindi lang mga chatters kundi pati na rin sa mga non-chatters ang nagkakaroon nito. Babae at lalaki, tomboy man o bakla nagkakaroon nito saan man lupalop ng mundo.
(more…)
"AKO ANG BESTFRIEND MO"
June 5, 2009
Meron ka bang tinatawag na bestfriend? Ilan ba ang best friends mo? At gaano na ba kayo katagal? Dati ang maririnig lang natin ay meron akong BF tapos nauso na rin ung BFF, akala ko dati ano meaning ng BFF Best Friends Forever pala un. Hanggang sa nakita ko na rin sa tv ang trailer nila Sharon Cuneta at Ai-Ai delas alas yung BFF movie nila kamakailan lang parang ito na pala yata ung uso. So naisip ko tuloy na ang BF pala hindi pang forever yun kung ganun? Kasi kulang ng letter F as Forever? Mejo nakakawindang noh?!
(more…)
KAIBIGAN
June 4, 2009
Paano mo ba maituturing ang isang tao na tunay mong kaibigan? Ano ba ang basehan para sabihin mong sya’y tapat at hindi makasarili lamang? At hanggang saan ba ang limitasyon ang pagiging magkaibigan?
(more…)
Jakiro or Kiro
June 1, 2009
- Minsan may isang nilalang
- Dating amo ay gusto siyang pagkaperahan
- Inilathala sa isang pahayagan
- Kasama na rin ang kyut na kyut nyang larawan.
(more…)
SI BUTCH AT SI FEMME
Sa pagitan ng taong 1999 to 2000, meron isang nangungulilang butch. (Hindi pa ako chatter noon, wala pang kamuwang-muwang pagdating sa larangan ng mundo ng bahaghari sa cyber world lol). Ang butch na ito ay sobrang malungkot, dahil sa ang kanyang babaeng gusto ay hindi nya na makausap or tila bang iniiwasan na sya. Nakilala nya ang femme sa isang str8 rum kung saan sa Yahoo chat mismo. Subalit nagkaroon sila ng tampuhan, kaya sa madalit salita ang femme ay hindi na sya kinakausap. Hindi nya alam kung paano nya makakausap muli ang femme na ito, dahil kahit sa yahoo messenger ay tila nakalagay na sya sa iggy bin. Kahit sa telepono ay hindi na rin sinasagot ang kanyang mga tawag. Dedma sya at imbisol sa parte ng femme.
(more…)
Iskandal
May 27, 2009Mukhang anghel sa paningin
dyosa ka sa pinilakang tabing
alindog mo’y inasam-asam
palagi kang sinusubaybayan.
(more…)
Bangungot
May 25, 2009Kelan ka lalayo?
bangungot ng kahapon.
tila bagang anino,
kung saan tutungo,
ika’y naroroon
(more…)
Panimula
Lunes at mejo busy today. So habang inuubos ko tong isang tasang coffee at sindi muna ng yosi, nag-iisip ako kung anong magandang kwento ang puede kong isulat dito sa blog ko. Puro tula pa lang kasi tong na-ipost ko dito at wala pa yung mga lyrics ng nagawa kung kanta. Mejo kinakabahan kasi ako i-post ung orignal songs ko baka madali ng mga halang na kaluluwa at mapirata pa hehehe.
(more…)
Di ko alam
May 23, 2009 Kay daming tanong sa isipan,
kay gulo tila zigzag na daan.
Gusot-gusot na tila kulduroy,
mukha ko’y napapasimangot,
nuo ko’y nakukulubot.
(more…)
Maskara
Gusto kong lumipad sa kalawakan,
lumutang sa himpapawiran,
alamin muli ang kasagutan,
sa mga nabiting katanungan.
(more…)
Bahaghari sa dilim
Kay gandang pagmasdan
ang bawat kinang mo sa kalangitan.
kaakit-akit kang titigan
bata man o matanda ay nabibighani
dahil sa taglay mong kagandahan.
(more…)
Delubyo
Sinalakay ng delubyo,
ang binhing inalagaan.
Iningatan at pinagsikapan,
ng pusong nagmamahal.
(more…)
Barya
Kalansing ng barya sa umaga,
ang tanging kong pampagising.
Kahon na parisukat,
kaha de yero sa paningin.
(more…)
Imbisibol
Tinawag kita,
ngunit di ka lumingon.
Tinapik ang balikat,
ngunit di mo pinansin.
Para bang hangin lamang,
ako………
sa’yong paningin.
(more…)
kalayaan
Pagmasdan mo,
ang mga ibon sa kalangitan.
Malayang naiwawagayway,
ang mga pakpak.
Mabuti pa sila,
malaya sa kapapawiran.
Di tulad natin,
nasa hawlang bakal.
(more…)
Panalangin
Kung ako ba ay papanaw?
saan ako nararapat?
papatawarin mo ba?
O paparusahan mo?
dahil sa mga nagawang,
kasalanan ko sayo.
(more…)




















