Home » Post Item » Jakiro or Kiro
Jakiro or Kiro
June 1, 2009
- Minsan may isang nilalang
- Dating amo ay gusto siyang pagkaperahan
- Inilathala sa isang pahayagan
- Kasama na rin ang kyut na kyut nyang larawan.
- Minsan din may isang nilalang
- Nalulungkot dahil nasasabik sa kanyang hirang
- Siya ay nag-iisip ng aginaldo para sa kaarawan
- Pang regalo sa kanyang pinakamamahal.
- Habang nagbabasa sa isang pahayagan
- Kanyang namataan ang kyut na larawan
- Bigla siyang napangiti at napagdesisyunan
- Kanyang pupuntahan ang munting nilalang.
- Dagli nyang tinawagan ang telepono
- Siya at amo ay nagkatawaran
- At ng magkasundo sa tamang halaga
- Kanyang tinawagan ang kanyang mahal.
- “Samahan mo ako sa aking pupuntahan”
- “Meron lang akong bagay na gustong tingnan”
- “Sana ay sumangayon ka naman”
- “ Kahit sandali lang ako’y iyong pagbigyan”
- Kahit nagtataka ang kanyang pinakamamahal
- Dahil ayaw sabihin ang tunay na dahilan
- Sapagkat gusto nyang sya’y masurpresa
- Sa munting nilalang na inasam-asam.
- Siya’y biglang nagulat at bakas ang kaligayahan
- Habang inaabot ang munting nilalang
- Ako’y kanyang nayakap sa sobrang kagalakan
- Ang munting nilalang ay aming naging anak-anakan.











ehehe. ang kyut kyut.
Posted by xdalisayx at June 2, 2009, 1:36 pm