Ang blog na to' ay naglalaman ng mga tula at kwento tungkol sa isang pagkataong nakatago sa likod na tinatawag natin sa mundo ng bahaghari.(dedicated to all rainbow people)
Author: Zx

Home » Post Item » KAIBIGAN

KAIBIGAN

June 4, 2009

Paano mo ba maituturing ang isang tao na tunay mong kaibigan? Ano ba ang basehan para sabihin mong sya’y tapat at hindi makasarili lamang? At hanggang saan ba ang limitasyon ang pagiging magkaibigan?

Mejo nahihirapan ako magsulat ng kwento ngayon ah! Baka meron akong masagasaan na pagkatao kapag nabasa to’. Pero sabi nga ng mga bloggers “ blog ko to’ kaya lahat ay puede kung gawin, at ito ay saganang akin at opinyon lamang kaya peace men sa tatamaan!.”

Pinag-isipan ko rin mabuti kung paano ko ba sisimulan tong kwento ko. Sa larangan ng pakikipag-kaibigan ang dami-dami ko na rin natutunan sa bawat ugali ng isang kaibigan. Mga kaibigan sa labas at loob man ng cyber world. Pero mas naapektuhan ako doon sa mga kaibigan kung nakilala sa loob ng cyber world. Siguro dahil mas naging matindi ang samahan at mas nagkaka-isip na at mas nalalaman ko na ang halaga ng pakikipag kaibigan kesa noon nag-aaral pa lang ng elementarya, high school at college.

Sa mundo ng bahaghari mas marami akong naging kaibigan. Siguro dahil hawak ko na ang  buhay ko at hindi na nakasandal sa pamilya. Yun nga lang mga patagong kaibigan sa aking pamilya pero ok lang un halos naman kami ganun, parang tagu-taguan at bibihira lang talaga yung tanggap ng pamilya nila at kakilala kung sino ang mga kaibigan nya.

Subalit, bawat kaibigan na maituturing ay isa sa mga yun ay hindi naman talaga sincere oh dba? Meron sumasabay lang sa agos dahil napapakinabangan mo ang isang kaibigan. Meron dahil sa gusto mo lang sumabay sa kanyang kasikatan, sympre makikilala ka rin at puede ka rin sumikat. Mga kaibigan na nakikita mo lang kung meron napapakinabangan sa’yo, pero kapag ikaw na ang nangailangan parang mga TUNGAW!!! at hindi mo na makita at mahagilap, at kapag malungkot na naman parang KABUTE!!! bigla na lang susulpot lalo pag tag-ulan na naman.

Kaibigan puedeng pautang?

OO naman ! bakit hindi? kung talagang meron kita’y pagbibigyan. Hindi masama ang mangutang, sa ganitong sitwasyon dito natin nakikita ang tunay na kaibigan. Pero huwag magtatampo kung walang maipautang dahil lahat naman tayo number one  na problema ay PERA! Pero lagi natin tatandaan na ang HIRAM at BIGAY ay malaki ang pagkakaiba. Nang hiram tayo so ibig sabihin ibabalik natin yun. Iba ung NANGHINGI sa NANGHIRAM tama ba ako kaibigan? Lahat ng tao ay nagkakaroon ng utang at hindi masama ang mangutang lalo na kung talagang kailangan natin. Minsan pa nga sa kaibigan natin makukuha ang tulong kesa sa pamilya natin. Pero dapat maging responsible tayo sa bagay na ito. Kaya lang may mga kaibigan na tila nagkakaroon ng sakit na kalimot kapag nakautang na, hindi na pinahalagahan ang pagiging mag kaibigan, kaya kalimitan isa sa nagiging problema at tampuhan ng magkakaibigan nagsimula lang sa pera.

Kaibigan libre mo ako ha?

Hindi  masama ang magpalibre. Yun ay paminsan-minsan dba? Kung niyaya ka at alam mong wala kang pera huwag mahiya na sabihin na “hindi puede low budget eh” so sa ganitong paraan alam ng kaibigan natin na wala tayong anda! Ngayon kung talagang si kaibigan ay namimilit para lang meron syang makasama so sagutin nya ang gastos mo dba? Para aware sya na wala kang bubunutin na kahit isang singko sa bulsa mo.Dahil mahirap magpakasaya at makipag sosyalan kung ang laman ng wallet mo ay puro pictures lang ng mukha mo at jowa mo. Pero kung si kaibigan ay desididong manlibre ? naku wag mo tanggihan dahil masama ang tumanggi sa GRASYA!

Kaibigan  puedeng payuhan mo ako?

Dito sa puntong ito ang masaya ang pakiramdam kapag ang kaibigan ay nanghihingi ng payo satin, o kaya ung tinatawag na naglalabas ng problema. Dahil ibig sabihin isa ka sa tinuturing nyang pinagkakatiwalaan. Kaya lang minsan nakakainis kapag ang kaibigan ay hingi ng hingi ng payo at parang sirang plaka na kau ng paulit-ulit kung ano yung gagawin nya, tapos para ka lang nagpapayo ng isang retarded na hindi naman inaabsorb yung mga payo mo. Kaya mas mabuti na sabihin na lang na “gusto ko lang ng may kausap at makikinig sa nararamdaman ko” dahil ang totoo madaling magsalita o magpayo lalo na kung wala ka sa sitwasyon ng iyong kaibigan. Dahil kahit batukan mo pa yan at maubos ang laway mo kakatalak sa payo mo, kung ano ung gusto nya un pa rin ang susundin nya.

Kaibigan sex tayo?

Ang bangis pagdating sa parting ito. Dito masaklap kapag meron kang nakilalang kaibigan na walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao, walang pakialam basta pagdating sa tinatawag na laman o kalibugan. Parang laman sa laman at dugo sa dugo na. eh ano bang pakialam nila? Eh,  sa nalilibugan na eh. Ginagawang laro ang pakikipag sex. Basta malabas lang ang init ng katawan. Pikit mata na lang at walang nakikitang meron maapakan. Hindi ba puedeng wag ilabas ang libog? Lalo na kung tipong parang nasa iisang puno lang kayo meaning (tropa)? Kaso meron talaga yata yung tinatawag na sa isang puno ng mangga meron bungang naligaw yun ay kamatis? Hala ka sobrang weird dba? Ang layo ng puno ng mangga sa puno ng kamatis kaya!

Ang pakikipag kaibigan ay isang relasyon na dapat pahalagahan natin. Katulad ng isang relasyong pag-ibig na kapag nakakita na tayo ng tunay na pag-ibig dapat ingatan para huwag basta na lang masira at  mawala. Dapat nandoon lage ang RESPETO ito ang pinaka-importante sa lahat. Dahil hindi lahat ng oras kaya tayong intindihin ng mga kabigan natin  sa paligid. At darating ang oras na ito na ang iyong maririnig….

“ KAIBIGAN NAPAPAGOD RIN AKO

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by bahaghariako at 10:03 am | permalink

Previous Comments

Aba at talagang ‘kaibigan, SEX tayo.’ Bangis talaga nun. Haha. Nagulat ako dito a.

Alam nyo, ma’am bahaghari, kapag kasama ko ang mga kabarkada kong babae, may kung ano akong nararamdaman, e (sasabihin ko rito, tutal, ako naman si ‘dalisay’, wala namang nakakaalam ng tunay kong identidad; oras na malaman nila, baka itakwil nila akong kaibigan… hala…). Yung malapit kayo sa isa’t isa, hinahangin yung buhok nila sa ‘yo, naaamoy mo yung bango nila, beso-beso, hawak sa kamay, sa bisig, kapag naghaharutan at nagkukulitan at aksidenteng ‘nadikit’ sila sa ‘yo, yakapan. Ay nakow!

Ewan , pero nangangalisag ang balahibo ko. Kinikilabutan ako. Nagfifeeling adan ako kapag masyado akong napapalapit sa babae. Hayzzz. Normal pa ba ako? Pag nalaman to ng fwends ko, tiyak na pandidirihan nila ako. :(

Posted by xdalisayx at June 4, 2009, 3:43 pm

Hala! napaka formal ng tawag mo sakin, meron pang “ma’am” lolz. Bahaghari na lang tawag mo sakin hehehe. Alam mo dalisay ang tunay na kaibigan doon mo mapapatunayan kung hanggang san mo sila magiging kaibigan. Syempre sa una magugulat ang mga yan, pero bkit ka naman nila pandidirihan? Hindi naman ito sakit na puedeng makahawa. Ano ba ang definition mo ng normal? ibig mong sabihin abnormal ang mga katulad ko? Pero, kung sa tingin mo hindi nila matatanggap dahil hindi sila sanay makipagkaibigan sa rainbow people wag mo na lang sabihin sa kanila ang totoo.

Kasi masaksaktan ka lng esp. hindi kapa ready na once nalaman nila puede ka nila iwasan. ok? meron tamang oras, lugar at tao para magpakatotoo ka sa sarili mo ok? :) t.c

Posted by bahaghariako at June 4, 2009, 11:10 pm

ehehehe. Tama ka, kaibigang bahaghari. Kung totoo silang kaibigan, tatanggapin nila ako. Kung hinde, awts, saklap! Hindi sila open sa ‘rainbow’ ppl. Kapag may napag-uusapan kaming mga ganyang tao, hindi nila ma-take, parang pinandidirihan nila.

Ay, umiral na naman sa akin yung sinasabi nilang heteronormativity. Lipunan kasi natin, e, ang normal ay ang heterosexual. Inaapi ang mga homo, bi, asexual, o kung ano pang ibang uri ng sekswalidad. Hayzzz. Hindi, hindi ka abnormal. Normal tayo! Ano bang pake nila sa trip natin sa buhay?! Tama, pakatotoo lang tayo. hehe. :)

Posted by xdalisayx at June 5, 2009, 4:35 pm

Well, hindi naman lahat ng str8 ay makikitid ang utak eh. Marami din naman ako kakilala na str8 na nakakaintidi sa mga homo. Marami din naman ang open minded. Usually pagdating sa gantong sexualidad ang kontrabida lang talaga ung mga religious na tao. Kasi… alam mo na baka basahan ka ka pa ng bibliya lolz!

Posted by bahaghariako at June 7, 2009, 6:47 pm

hate ba ni Lord ang mga di straight? hmmm… di ko lang alam. saan ba sa bible makikita na kasalanan ang magkaroon ng sekswalidad na labas sa lalake/babae lang?

Posted by xdalisayx at June 9, 2009, 4:28 pm

Sabi ng mga taong judgemental yung mga galit sa homo. Pero mas mabuti na ung hintayin ko na lang ung final judgement sakin ni lord, mas alam ko pa na mas maiintindihan nya ang katulad ko kesa sa mga mata ng taong hindi nakakaintindi. Sino ba ang hindi nagkakasala? mas meron pa nga worst kesa sa homo.rapist, magnanakaw, killer, at ung mga illegal na gawain basta yumaman lang. dpat dun sila mag focus, kami di namin ginusto to’. So hindi porket, bukambibig ang ng dios at laging may hawal ng bible makakapunta na sa langit. yan ang isa sa nabasa ko sa bible hehehe.

Posted by bahaghari ako at June 10, 2009, 9:27 am

uu nga e. masyadong mapanghusga ang mga tao. akala mo kung sinong malilinis. ahahaha. sige, sige, keri lang. Basta’t walang nasasaktan na ibang tao - sundin lang ang tinitibok ng puso. ehehehe.

Posted by xdalisayx at June 10, 2009, 5:12 pm

Welcome to shop Coach Outlet in our Coach Outlet Handbags online store. All of Coach Outlet Canada here are fashionable, lightweight and show female charm. Coach Outlet Online and fresh styles will give you lasting visual appeal. From http://www.coach-outlet-handbags.org/.

Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 4:57 pm

Thank you for sharing this article! I really like it! Because of their relatively low level of writing. After seeing your article, I tried to write some of this stuff, I published here, such as Coach Outlet, Coach Outlet Canada and Coach Bags Outlet. Those are just a large blog, here there are some small blog site, also released a number of articles. From http://www.usa-coach-bags.com/.

Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 4:58 pm

The vintage coach outlet is known has a special charm, especially when it comes to pieces of a certain level coach outlet online, brand names and companies. coach outlet stores knows that along with the famous auction house Christie’s held an exclusive coach outlet factory service, the bags historical protagonists of famous fashion coach factory outlet. From http://www.coach-outlet-online.cc/

Posted by coach factory outlet at June 13, 2011, 4:59 pm

Add a comment