"AKO ANG BESTFRIEND MO"
June 5, 2009
Meron ka bang tinatawag na bestfriend? Ilan ba ang best friends mo? At gaano na ba kayo katagal? Dati ang maririnig lang natin ay meron akong BF tapos nauso na rin ung BFF, akala ko dati ano meaning ng BFF Best Friends Forever pala un. Hanggang sa nakita ko na rin sa tv ang trailer nila Sharon Cuneta at Ai-Ai delas alas yung BFF movie nila kamakailan lang parang ito na pala yata ung uso. So naisip ko tuloy na ang BF pala hindi pang forever yun kung ganun? Kasi kulang ng letter F as Forever? Mejo nakakawindang noh?!
Pero ano ba talaga ang pagkakaintindi nyo sa isang tinatawag na mag best friends? Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito?
Dati nagkaroon din ako ng best friends, hindi ko na nga mabilang kung nakailan best friends na ako e. Nagsisimula tayo magkaroon ng best friend nasa elementary tayo, kasi kung sino yung mas madalas kasama mo sa school at katabi sa upuan, nagpapa kopya ng assignments, kasama lage sa recess yun ang tinatawag natin na best friend dba? Hanggang pag naging high school na iba na naman yung best friend, dahil iba na naman ung nakakasama mo, pag nag college kana ganun din iba na naman, hanggang sa pagka graduate mo iba na ulit kasi ang best friend mo ay yung kasamahan mo na sa trabaho.
“SINO ANG BESTFRIEND MO DOON?!!!” “ SYEMPRE IKAW LANG!!!”
Naalala nyo pa ba ang linyang ito? Pinauso nila Anjo ylana at Ogie alcasid. At naging bukambibig na ng madlang Filipino.
Kapag nabaitan ka sa isang malapit mong kaibigan at magaan na ang loob mo, palagi mo nakakasama sa kalokohan, naiiyakan mo, nasasabihan mo ng problema, nauutangan mo, at halos na lahat ng kaloob-looban ng bituka mo ay wala ka na itinago, aangkinin mo na syang isang best friend. Sasabihin mo na agad sa kanya basta ikaw ang best friend ko ha? Alam nyo bang mali ito? Nalilito ka ba kung bakit? Malamang ganun ka siguro, mapang angkin kahit na hindi ka naman sigurado, kung kaya ba nya talaga na maging bestfriend mo sya.
Minsan meron nagsabi sakin ng “ alam mo naman ikaw lang ang bestfriend ko eh.” So sympre in return dapat tatawagin ko rin syang best friend ko dba? Kaso hindi eh, sabihin na natin na malawak na ang kaisipan ko pagdating sa ganitong bagay. Kaya sumagot ako ng…”Huwag mong sabihin sakin yan na ako ang best friend mo, dapat hindi sayo nanggagaling yan e, dapat sakin.” Kaya nalito sya at sumagot ng ..” Huh? Ano ibig mong sabihin? Parang ang gulo naman!” kaya pinaliwanag ko sa kanya ng mabuti na..” Gusto kung sabihin sayo na ako ang best friend mo. Kasi kaya kung pangatawanan ang 2 words na ito, responsable akong tao para maging best friend mo dahil alam ko sa sarili ko na pagkakatiwalaan mo ako”
Nagets nyo na ba ang ibig kung sabihin? Huwag basta-basta angkinin ang isang malapit na kaibigan bilang bestfriend mo, kasi paano ka nakakasiguro na kaya nya nga pangatawanan yun? Hayaan mong ang iyong kaibigan ang unang magsabi sau na “ Ako ang bestfriend mo” kasi alam nya sa sarili nya kahit anuman ang mangyare hindi ka nya ipapahamak at kaya ka nyang ipagtanggol kahit kanino man lalo na kung wala kang kasalanan. At ang bestfriend hindi nagtotolerate ng mali, kaya ka nyang pagsabihan ng masakit na salita kung kailangan, lalo na kung alam nyang hindi na maganda ang iyong ginagawa.
Marami akong kaibigan, close friends at ka tropa. Pero wala akong bestfriend kasi wala pa nagsasabi sakin ng “ Ako ang bestfriend mo doon!!!”
Previous Comments
huwag ka malungkot kahit wala kang bespren, hindi naman yun importante kung meron ka o wala e. importante dun meron kang mga true friends. dba ?
Ang bestfriend kse kahit matagal kayong di nagkita or nagkasama pero kapag nagkita kayo parang walang naging gap na panahon. Ganun pa din ang turingan kung paano kayo last na nagkasama.
Masaya ako dahil ang mga tinuring kong bestfriends(2 kse cla) ay tinuturing din akong bestfriend nila.
Sino ang bestfriend mo doon??!! hulaan ko yung isa, ung malapit na mag grad. hehehhe. c tin ba ?
tama… dapat kasi hindi inaangkin ang tao na bestfriend mo, panu kung may iba pa lang bestfren ito, eh di kaw din ang mapaphiya, pero salamat na man at ang bestfriend ko ay katropa ko na…
Posted by spinx at July 13, 2009, 9:55 pmHi spinx tnx sa pag bisita sa page ko..=)
Posted by bahaghariako at July 19, 2009, 11:29 pmang aking bestfrend..love na love qo kht mnsan sama qo sknya..makuliit at pasaway at mnsan suplada kaya parang bd3p…ui lara villasanta…..? kht ka pasaway…mahal mahal taka man….ingat ka palage ha.kxi pag nwala ka…panu nah aq..haha la na akong BFF…qmain ka pti wg kang magpapalipas malay muh mging magkasing tangkad na tayo..haha I LOVE YOU 4EVER MY BESTFRIEND?
Posted by MARIELLE OLICIA at February 11, 2011, 6:42 pm









ako rin. wala akong bespren.
ang lungkot.
Posted by xdalisayx at June 5, 2009, 4:38 pm