Ang blog na to' ay naglalaman ng mga tula at kwento tungkol sa isang pagkataong nakatago sa likod na tinatawag natin sa mundo ng bahaghari.(dedicated to all rainbow people)
Author: Zx

Home » Post Item » LDR-Long Distance Relationship

LDR-Long Distance Relationship

June 6, 2009

Marami ang meron ganitong relasyon pagdating sa larangan ng cyber world. Hindi lang mga chatters kundi pati na rin sa mga non-chatters ang nagkakaroon nito. Babae at lalaki, tomboy man o bakla nagkakaroon nito saan man lupalop ng mundo.

Noong hindi pa nauuso ang internet kapag ang isang mag-asawa o mag-karelasyon ay nagkakahiwalay ng bansa meron din pamamaraan. Ito ay sa telepono at sulat lamang ang tanging paraan para sila ay magkaroon ng kumunikasyon. At kapag naman hindi pa nagkikita ng personal sa sulat lang din dinadaan ito ay tinatawag na pen-pal.

Noong dekada 90’s unti-unting namayagpag sa buong mundo sa larangan ng teknolohiya ang internet. Lahat ay pinadali at pinabilis, sa internet lahat na magagawa mo. Sa pinag sama-samang talino ng utak ng tao at iba’t –ibang lahi ay napaikot ng internet ang kaisipan ng bawat tao. Kaya hanggang sa kasalukuyan ay bahagi na ito ng ating buhay. Kung walang internet kaya pa kaya ng tao na mamuhay ng simpleng kumunikasyon lamang?

Kung ako ang tatanungin? “Syempre hindi at ayaw ko na mabalik ang mabagal na pamamaraan noon. Kaya ko ang walang cellphone sa tabi pero ang computer at internet ay di ko na yata kakayanin pa.”

Pero dahil din sa computer at internet maraming aspeto sa buhay ang sobrang naaapektuhan nito. OO nga, lahat ay nadadaan sa mabilisan, isang click lang andun ka na sa gusto mong puntahan at gustong makausap. Harap-harapan sa harapan ng monitor mo. Nakikita ang mukha at nababasa agad ang mensahe, lahat kaya mong ipahiwatig at makukuha agad ang kasagutan sa bawat tanong mo sa kausap. Na hindi tulad noon na kelangan mo pang maghintay ng isa o dalawang linggo bago mo mabasa ang mga tanong sa huling sulat mo at kapag mamalasin hindi pa makakarating sayo.

=CHATTERS=

Subalit ngayon, pati pag-ibig ay mabilisan na rin nagagawa ng internet.

Pasukin naman natin ngayon ang larangan ng chat rooms. Kung saan dito mo makikita ang sang katirbang mga tao na naglipana sa buong mundo. Kahit nasa trabaho puede mo silang makausap, kahit saan lugar pa sila abutin basta gusto nilang mag internet kayang-kaya ng gawin. Kahit nasa loob ng banyo tumae man o naliligo kayang bitbitin sa pamamagitan ng laptop. Puede ka na isama ng taong kausap mo at ilibot sa loob ng buong bahay nya at para mo na rin syang nakakasama oh dba?

Sa pamamagitan ng chat rooms madami kang magiging kaibigan, mga kababayan mo na hindi mo kakilala sa personal ngunit kapag uuwi sila ng sariling bansa  ay posibleng kayo ay magkikita. Makakabuo ka ng tinawag na clan o samahan o kaya ay simpleng grupo lang, at isa ito sa dahilan kung bakit maraming nabubuong nagkaka-ibigan at dito na nga papasok ang  LDR-Long Distance Relationship sa mga chatters.

=Ikaw nakaranas ka na ba ng LDR?=

Ako?, Oo at ilang beses na. Pero lahat ng iyon ay hindi nagtagumpay nauwi lang sa wala lahat ng mga plano at pangarap namin. Kaya noong huli ako makipag ldr na umabot din ng less than 3 yrs. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako makikipag ldr ulit. Kaya naman naghanap ako ng taga pinas din, kaso nga lang nangibang bansa, at ang akala ko noon since nagkasama na kami hindi na matutulad ng mga nakaraan kung ldr, pero ganun yata talaga mahirap ang hindi kayo magkasama. Hindi nakakaligtas sa matitinding pagsubok ng ldr. Nawala lang din ang tatlong taon na pinaka-iningat-ingatang relasyon.

Sa LDR iba’t ibang klase ang mararanasan mo dito. Sa mundo ng bahaghari marami na akong nasaksihan dito. Pero sa mga nakipag ldr bilang lang sa daliri ko ang naging matagumpay.

Meron naging topic noon sa MRC network  at pinangunahan ni REAL na isang OPS sa aming network at ito ang tanong:

“Will this be a problem? Do you really think love is present with this kind of relationship? You can share experience, add comments and release inhibitions with this topic so others can learn when they experience it.
–REAL—“

At ito naman ang naging comment ko sa topic:

Reply by Zx on April 28, 2009 at 3:10pm

Delete

(Sabi nila depende daw, dati sabi ko rin depende din…pero ilang beses na sinubukan ko..lahat ng best na alam ko ginawa ko. Ngayon un “depende” na lage ko naririnig sa iba at lagi kung sinasabi sa sarili ko hindi na rin kinaya. Isa lang masasabi ko Long distance relationship kahit anong tibay ng pagmamahalan, nabubuwag sa tindi ng pangangailan. 1. Financial-magastos, kelangan mo bigyan ng budget para lang sa communication, dahil kung wala ito paano na ang communication? 2. Emotional- napakahirap lalo na kung meron kayong tampuhan..di mo sya mahawakan para amuin, ang hirap ng nagkakaroon ng away o tampuhan kapag sa chat o telepono lang. 3. Physical- ang hirap mag control ng temptation kaya karamihan hindi nakakaligtas sa matinding pangangailan ng katawan. nakakalimutan ang “trust” “honest” na words. at most of the time na fall out na sa ka ldr lalo na kung meron naman nakakasama at nakikita na in person. 4. Mental- dito na dumadating ang isang matinding pagsubok..mentally stressed na ang bawat isa, kung kaya pa ba o hindi na. Kung masaya ka pa ba sa ka ldr mo o hindi na. nakaka- torture sa utak lalo na kung ang ka ldr mo hindi mo na gaano nakakausap, nakaka torture ng utak lalo na kung gusto mo na tapusin pero paano mo sasabihin at ipaliwanag kung ano na ba talaga ang gusto ng bawat isa. Hindi ko na papahabain pa..mas marami pa sana akong sasabihin pero pagod na rin ako mag isip pa. lolz
Opinyon ko lang to..base na rin sa karanasan ng ibang tao at sa sarili ko mismo. Pero hindi ibig sabihin na nagiging nega ako sa ldr . Kaya ung mga nakakaligtas sa matinding pagsubok? congratulations guys!).

Pero meron pang isang nakakalungkot pagdating sa LDR. Yun bang akala mo ay nagmamahalan kayo sa isa’t-isa, pero kapag nagkita na at nagkasama hindi pala iyun ang mararamdaman mo. Yung tipong ang tagal nyong pinanabikan na dumating ang araw na mayayakap at mahahalikan mo ang taong mahal mo. Pero kapag nagkita na, isa pala sa inyo ay hindi ganun ang nararamdaman. Yun bang tinatawag na walang spark or magic o kaya naman kilig. hayzz ang hirap at masaklap dba? So isang malaking sugal talaga ang LDR, puede kang matalo o manalo. Pero paano mo naman malalaman kung di mo susubukan dba? 

Pero dapat isipin pa rin natin na…kahit hindi naging matagumpay ang nasimulang pag-ibig, huwag natin kalimutan na minsan sa buhay natin meron isang LDR na nagpasaya sa puso natin, kahit ito’y naging pansamantala lang. :D

=end= 

Posted by bahaghariako at 7:31 am | permalink

Previous Comments

hmmm. ekspert ka talaga bahaghari pagdating sa chatting, sa mga ganyang bagay. Ayus! maganda, detalyado, talagang nailahad mo ang mga faktor na isinasaalang-alang sa ldr. hayzzz, mahirap talaga ang ganyang klaseng relasyon. Pero, sige, isipin na lang natin - tama ka, kahit paano, may nagpasaya sa puso natin, huhu, ‘kahit ito’y naging pansamantala lang’. :(

Posted by xdalisayx at June 6, 2009, 4:50 pm

hehehe..tnx dalisay sa comment. i know mahirap sobra kaya ikaw avoid mo ang ldr ha lolz! joke lang :D

Posted by bahaghariako at June 7, 2009, 6:39 pm

Ako yata ang taong walang kadala dala sa LDR. hindi kse complicated basta wag ka lang ma iinluv. Pero yun problema kapag na inlove ka na which is mas madalas mangyari kesa hindi.
Swerte lang siguro lahat ng naging ka LDR ko nung nagkita kme may spark lahat. Minahal ko sila at minahal naman din nila ako.
Ito nasa LDR na naman ako ngayon, pero susunod siguro hindi na if ever hindi kme mag work ng present ko. although, nagkita na kme nung present on ko at nagkasama. Mas masarap ciang makasama kesa chat lang. Mas ma effort cia sa personal. Hirap kapag na mimiss ko hindi ko pwedeng maakap. Ginagawa ko na ngang pabango ng room ang pabango nia para kahit man lang sa amoy maamoy ko sya araw araw.
Haayyy,ang hirap kahit mahal ko cia wala kmeng chance magkasama. Kaya ang motto ko na lang “live each day” baka bukas isa na sa amin ang nag give up.

Posted by Luv_kho_ito at June 15, 2009, 11:39 am

Hi Luv_kho_ito, parang mcdo lang ah. Sabagay mejo hawig ka naman kay sharon cuneta eh lolz. Nakailan ka na ngang ldr? alam komadami na eh :P at parang di ko na mabilang hahaha! yeah i wish na tong present mo tumagal na rin. good luck :D

Posted by bahaghariako at June 15, 2009, 12:14 pm

Na inlove ako sa 3 lang naman kasama yung on ko ngayon. Madami na ba yun? Pero cguro naka LDR ko 6 ( di kasama yung biruang LDR lang ah)
Kasalanan ko ba mapag mahal akong tao? at least di ako poser.LOLZ.

Posted by luv_kho_ito at June 16, 2009, 3:36 am

Di mo naman kasalan na maging mapagmahal ka eh :P pero tingin ko nga sau mas Ok sau ang LDR kasi tingin ko mas tumatagal e, kesa kapag nagkakasama kau lolz joke lang tsup!

Posted by bahaghariako at June 18, 2009, 1:51 pm

nakakainis ang LDR. nakakainis nakakainis nakakainisss! ayoyoyoyoyoy. sobrang nakakainis grr.

Posted by utot at November 14, 2009, 6:04 pm

There is a margin, let go after a landscape has a heart, insisted the Chinese side is sincere.

Posted by coach stores at December 20, 2010, 10:04 am

*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.

Posted by Replica Christian Louboutin shoes at December 27, 2010, 9:21 am

Welcome to shop Coach Outlet in our Coach Outlet Handbags online store. All of Coach Outlet Canada here are fashionable, lightweight and show female charm. Coach Outlet Online and fresh styles will give you lasting visual appeal. From http://www.coach-outlet-handbags.org/.

Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 5:02 pm

Thank you for sharing this article! I really like it! Because of their relatively low level of writing. After seeing your article, I tried to write some of this stuff, I published here, such as Coach Outlet, Coach Outlet Canada and Coach Bags Outlet. Those are just a large blog, here there are some small blog site, also released a number of articles. From http://www.usa-coach-bags.com/.

Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 5:03 pm

The vintage coach outlet is known has a special charm, especially when it comes to pieces of a certain level coach outlet online, brand names and companies. coach outlet stores knows that along with the famous auction house Christie’s held an exclusive coach outlet factory service, the bags historical protagonists of famous fashion coach factory outlet. From http://www.coach-outlet-online.cc/

Posted by coach factory outlet at June 13, 2011, 5:03 pm

Add a comment