Ang blog na to' ay naglalaman ng mga tula at kwento tungkol sa isang pagkataong nakatago sa likod na tinatawag natin sa mundo ng bahaghari.(dedicated to all rainbow people)
Author: Zx

Home » Post Item » POSER!!!

POSER!!!

June 7, 2009


Posera ka ba? Ilan na ba ang nagoyo mo? Or kung nabiktima ka ng poser, ilang beses na ba? (LOLZ!) mapapa lolz ka talaga kapag nabiktima ka ng ganitong mga tao sa chat. 

Madami nito noon pa man hanggang ngayon. Hindi na ito mawawala, hangga’t meron nagpapaloko meron talagang manloloko.

=Meron tatlong klase ng poser.=

POSER # 3 = ang poser na ito ay tinatawag lang nating BOGUS wala lang sya sa mood na magpakilala. Gusto nya lang mag enjoy at mangulit, kaya gagamit sya ng ibang sn or acct. usually watch mode lang ginagawa nya at kanyang pagtitripan ang mga kaibigan. Kadalasan na gumagamit ng bogus acct ay kilalang kilala na or regular chatter na sya. Minsan naman mosang mode lang, lalo na kung meron syang iniiwasan na tao. Kaya hindi naman nakaka-perwisyo ang ganitong klase ng poser.

POSER # 2 = ito ay nakakainis kapag napag tripan ka nito. Gagamit ng ibang sn para lang mang-away ng kapwa, warfreak, walang modo, bastos, lalo na kung meron syang kaaway na chatter. Magtatago sya sa ibang sn para barubalin nya ang taong kinakainisan nya. Kaya lang dapat magaling sya magtago sa pagpapanggap dahil kapag minamalas sya at nabuko, ibabalik sa kanya at susupalpal sa mukha nya ang lahat ng ginagawa nya. Kaya nagkakaroon ng matinding personalan na pag aaway.

POSER #1= parang public enemy number lang noh? Lolz. Anong klase ng poser ba ito? Mag-ingat sa ganitong klase ng poser. Matindi pa to’ sa mga bulkan, tornado, bagyo, landslide, tsunami!, at kung anu ano pang mapanira sa ating mother nature, kapag nabiktima ka nito.

Ang ganitong klaseng poser ay intension talaga na manloko sa kapwa nila. Magagaling sila magpaikot-ikot ng tao, mapapaniwala ka sa una na sila talaga ang nasa larawan ng kanilang profile. Ang mas madalas mabiktima ng mga ganitong tao ay mga baguhan sa chat room. Alam nila kung tipong pinaghihinalaan sila, kaya kapag ang isang bibiktimahin nya ay meron duda sa pagkatao nya, hindi na nya itutuloy ang kanyang mga plano. Hahanap ulit sya ng ibang chatter na puede nyang mapaniwala. At kapag ang biktima nya ay walang ka duda-duda sa kanya, dito na nya sisimulan ang kanyang matinding operasyon at ito ay ang mapa ibig ka nya ng todo!

Kadalasang ginagamit na larawan ay mga matitindi ang dating. Maganda, sexy at mapuputi na parang mga anghel ang kagandahan. Expert sila pagdating sa pagnanakaw ng mga pictures, hindi basta lang model, kc madali naman mahalata kapag model na pinay, syempre mabubuko mo dba? Kadalasan ay larawan ng kaibigan, kamag-anak,  at mga pictures na hindi kakilala doon sa chatrum na tatambayan nya, at meron pang mas matindi!. Picture ng anak na panganay kapag nabiktima ka ng matandang chatter na meron ng anak lolz!!!!!!!!!.

Masasaktan ka talaga kapag na inlove ka sa isang poser, lalo na kung napaikot na nya ang utak mo. Kahit hindi mo sya nakikita sa webcam at puro pictures lang pero kapag boses nya na ang maririnig mo, lahat babalewalain mo na  mga naririnig na… “MAG-INGAT KA DYAN BAKA POSER YAN!” Ipagtatanggol mo pa syempre mahal mo eh. Maiinis ka sa mga taong nagsasabing meron kang jowang posera. Dahil maniniwala ka na one of these days magpapakita sya sayo at papatunayan na hindi ka nya niloloko.

Kaso lahat ay meron kapalit na KARMA! Ang trip-trip lang sa simula ay hindi na pala trip, dahil nainlove na rin sya sa kanyang biktima. Ibig sabihin ayaw nya itong mawala sa kanya, pero kailangan tuparin ang pangako para wag mawala sa kanya ang biktima nya. Dito na papasok na no choice na sya at kelangan i-reveal na nya ang tunay nyang pagkatao. Magpapakita na sa webcam! AYOS!!!…Para kang pinagsakluban ng langit at lupa men! Ang babaeng minahal mo sa larawan ay napakalayo pala sa totoong buhay!!!. So ano ang magiging ending? Syempre break to death mo ung jowa mong poser noh! LOLZ talaga dba?

ARAL: Kung ano ang ayaw mo ay huwag mong gawin sa kapwa mo!!!.

  

Posted by bahaghariako at 2:50 pm | permalink

Previous Comments

wala talaga akong alam sa mundo ng chatting…

ewan, kalokohan lang kasi, e…

poser pala tawag sa mga taong ganyan…

nung una, di ko masyadong magets, dahil nga sa wala akong kamuwang-muwang sa pagchachat, pero sa daloy naman ng iyong entri, ayus, nakuha ko na. ahahaha. LOLZ talaga. daanin na lang sa LOLZ ang panloloko at pananakit ng damdamin ng mga taong yan. ay sows…

Posted by xdalisayx at June 16, 2009, 10:07 pm

Actually, di naman puro kalokohan lang yung mapapala mo sa chatting. Marami ka rin makikilalang totoong kaibigan. Sabagay, kanya-kanyang trip nga lang ang tao. Tulad mo outlet mo ang pagsusulat sa blog. Ako naman kapag bored sa chatting naman ang outlet ko. Depende lang kung paano tlaga dadalhin ang boredom. Pero alam mo ung grupo ko ngayon, gumagawa kami ng project tulad ng outreach. Sa chatting lang kami lahat nagkakilala. Sana magkaroon ulit this yr. baka sa december ulit.

Posted by bahaghariako at June 18, 2009, 1:48 pm

ehehehe. buti pa kayo, may nakakatagpong seryoso at totoong tao sa mundo ng chatting…

kapag pumapasok kasi ako sa chat rooms, panay sex at pakikipagrelasyon ang nasa isip ng mga tao… ay sus, ang chatting ay para naman sa mga ito, di ba? saan pa ba? ahahaha…

nababastusan lang kasi ako pag nakikipagchat. ang daming bastos… murahan, patingin daw sa cam… basta, bastusan… ay nakow…

Posted by xdalisayx at June 18, 2009, 8:31 pm

hays. asar bat andame kcng poser .. auz lan amn na nde kgandahan pero ung ggmit pa ng ibang pix ampp ..

Posted by DIANNE at September 5, 2009, 9:02 am

It takes some time to cultivate some friendship.

Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:31 am

You are still what you were, while I have learnd how to keep distance.

Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:36 am

*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.

Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:19 am

hay naku poser!!!!azar bat kya ang daming poser sa mundong 2???dahil ba wla clng mgawa sa buhay nila!!1kung wla clng mgawa sa buhay nila mas mbuti nlng na magpakamatay cla pra nmn mabawasan ang poser sa mundong 2….

paalaala lng po wag paloloko ko.hmmmmm…kc kung wlang nagpapaloko d wlang manloloko ryt?>…..,,,

Posted by elaishamae at March 3, 2011, 3:37 pm

Welcome to shop Coach Outlet in our Coach Outlet Handbags online store. All of Coach Outlet Canada here are fashionable, lightweight and show female charm. Coach Outlet Online and fresh styles will give you lasting visual appeal. From http://www.coach-outlet-handbags.org/.

Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 5:00 pm

Thank you for sharing this article! I really like it! Because of their relatively low level of writing. After seeing your article, I tried to write some of this stuff, I published here, such as Coach Outlet, Coach Outlet Canada and Coach Bags Outlet. Those are just a large blog, here there are some small blog site, also released a number of articles. From http://www.usa-coach-bags.com/.

Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 5:01 pm

The vintage coach outlet is known has a special charm, especially when it comes to pieces of a certain level coach outlet online, brand names and companies. coach outlet stores knows that along with the famous auction house Christie’s held an exclusive coach outlet factory service, the bags historical protagonists of famous fashion coach factory outlet. From http://www.coach-outlet-online.cc/

Posted by coach factory outlet at June 13, 2011, 5:02 pm

Add a comment