Ang blog na to' ay naglalaman ng mga tula at kwento tungkol sa isang pagkataong nakatago sa likod na tinatawag natin sa mundo ng bahaghari.(dedicated to all rainbow people)
Author: Zx

Home » Post Item » Lungkot sa Tag-ulan

Lungkot sa Tag-ulan

June 17, 2009

“Hirap na hirap at pagod na pagod na ako. Di ko na kaya talaga e…paulit-ulit na lang na ganito. Bakit ako pa? masama ba akong tao para magkaganito?” 

Madalas ganito ang maririnig sa taong nalulungkot, mararamdaman mo ung paghihirap ng kalooban nya. Minsan madadala ka at mapapaiyak ka rin, kasi  hindi dahil sa naawa ka, dahil kung alam lang ng kausap mo na hindi naman kayo nagkakaiba ng nararamdaman.

Madali ang magbigay ng advice sa kaibigan o ng taong meron magulo ang pag-iisip. Pero mas mabuti na rin yun, kahit papaano hindi man nya  sundin meron syang nakausap ng mga oras na feeling nya nag-iisa lang sya. Pero meron din mga taong tahimik lang. Hindi nagsasabi ng mga problema. Siguro nature na rin ng isang tao un. Iba-iba lang talaga kung paano dalhin ng tao ang kalungkutan. Meron napaka vocal at nasasabi kahit kaninong kaibigan. Meron naman napaka secretive kahit na pilitin di mo talaga mapapagsalita.

Sa mga bloggers naman, bilib ako kapag lahat naibubuhos nila sa pagsusulat sa kanilang blog ng direct to the point yung kanilang nararamdaman. Yung  galit sa mundo, yung galit sa sarili at galit sa ibang tao. Literal nila nasasabi pati yung pagmumura na ramdam ko sagad sa buto ang nararamdaman nilang galit.  Sana ganun din ako, sana naisisigaw ko rin ng literal kapag meron akong galit sa sarili ko. Kapag meron akong galit sa mundo at kapag meron akong galit sa tao. Hindi bale meron naman ibang paraan kung paano ko sinisigaw ang nararamdaman ko. Sa ibang paraan nga lang……

“Idadaan ko na lang sa paglikha ng tula at kanta ang lahat ng kalungkutan ko. Kahit paano dito lahat naibubuhos ko.”

 

Posted by bahaghariako at 5:29 pm | permalink

Previous Comments

powtek… dito lang talaga sa blogging ko naibubuhos ang mga kaekekan ko, ang mga sama ng loob ko…

iba ang feeling kapag naisusulat mo ang iyong naiisip at nararamdaman… tapos binabasa-basa mo, at alam mong mababasa rin ng ibang tao. kahit di ako marunong sumulat - sige, labas lang nang labas ng mga kachorvahan… personal site ko naman e…

naaastigan ako dito sa blogging. Mabuti’t naimbento ito… ang lahat ng aking mga kinikimkim ay ibinubuhos ko rito…

pinagagalitan nga ako ng nanay ko dahil naaadik ako sa blogosphere… di lang niya alam, nakatagpo ako ng magandang outlet ng mga hinanakit ko sa buhay. hayzzz… at saka, dito, nakikilala ko ang aking sarili, at nakakakilala rin ng ibang tao (kahit di personal na nakikita, nararamdaman ko ang mga iniisip at nasasaloob nila)…

sige, ilabas lang natin ang ating kalungkutan. hayzzz.

Posted by xdalisayx at June 17, 2009, 6:03 pm

Pansin ko nga rin eh. Ang tapang mo nga eh. sana yung mga sinusulat mo mabasa ng mga nasa lipunan na alam nilang sila yung pinatatamaan mo. Kaso sana tablan sila, manhid na mga yan.

Posted by bahaghariako at June 18, 2009, 1:41 pm

It takes some time to cultivate some friendship.

Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:32 am

Add a comment