Panapanahon lang yan
June 20, 2009Kanina umaga pag gising ko meron akong offline message sa isang kaibigan ko. The way sa pag type ng tawag nya sakin at kasunod na buzz, naramdaman ko agad na there’s something wrong at kelangan nya ng kausap.Kaya kahit pupungas-pungas pa ako at hindi pa nakakahilamos at toothbrush mas minabuting sagutin ko muna ‘yung pm nya sakin. Hindi nga ako nagkamali ng hinala.Nagyaya ng inuman at gusto nyang maglabas ng sama ng loob at nalulungkot daw sya. As usual tungkol sa puso at pag-ibig.
After namin mag-usap ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko muna tiningnan, ganun kasi ako e, pagdating sa cp kinakatamaran basahin agad unless kung nagriring sya. Kaya nga minsan kelangan pa akong i-pm ng nag text sakin para check lang ‘yung cp ko dahil meron syang message. Pagkabangon sa bed, dating gawi maglilinis at maliligo at pagkatapos ay saka na bubuksan ang store. Hanggang sa pagbalik ko sa harap ng computer, naalala ko na tumunog pala ‘yung cp kanina. At ito ang nabasa ko….
“Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong mahal natin ang saktan tayo. Hindi nila sinasadya ang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan din natin tanggapin na nasa paniniwala nila ‘yun.Ganun naman talaga, doon sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa sitwasyon nila diba? Lahat tayo mararanasang agawin, mang-agaw at maagawan. Panapanahon lang yan.”
Inulit-ulit ko basahin ang text message na ito. Galing sa isang bagong kakilala at kahit isang beses ay hindi man lang ako nag reply sa bawat text message nya. Ang tsaga nga ng taong ‘to eh. Pero bawat forwarded or sarili man nyang gawa, nakakatuwa kasi may mga sense naman ang lahat ng sinasabi nya. At katulad na lang nitong huling message nya. Napaka realistic dba? Para bang umaayon sa panahon ngayon ang nabasa kung mensahe na ‘ito. Naisip ko tuloy bigla na ilan sa mga kaibigan ko ang meron gantong magulong relasyon sa ngayon.
Ang buhay at pag-ibig ay laging nagiging panapanahon sa bawat tao. May panahon na halos perfect na ang lahat. At darating din ang panahon na parang ang sikip ng mundong ginagalawan natin.
Subalit, kailangan mong labanan at lagpasan ang mga panahon ng kalungkutan. Dahil laging iisipin ang buhay at pag-ibig ay parang gulong lang yan. At katulad ng commercial ng SMB…” Bilog ang mundo”.
Previous Comments
tama. Weather-weather lang yan, ani nga ni kuya kim.
Asar na kuya kim yan at pag-asa, mali-mali ang balita tungkol dun kay feria. hayzzzz…
anywayz, ganyan talaga ang buhay. Nakakaloko. Minsan, sobrang saya, para kang nananaginip. Minsan naman, sobrang lupit, bangungot, gusto mo nang magising, pero ayaw. so lufeeet. Tsk,
Posted by xdalisayx at June 27, 2009, 11:45 pmpwede po bang mahiram tung kwento mo po..gagamitin ko lang po sa project ko………
salamay po………..
ganda ka c ehh..^^
Hi leslly, sure np basta bamakakatulong sa project at sa mabuting bagay mo gagamitin










nakakarelate ako dito ah…tama ka dyan zx panapanahon lang talaga…:) kaso minsan nakakainip kasi lagi nasa baba ang gulong parang ang tagal bumalik sa taas lolz….
Posted by gretch at June 20, 2009, 7:42 pm