Ang blog na to' ay naglalaman ng mga tula at kwento tungkol sa isang pagkataong nakatago sa likod na tinatawag natin sa mundo ng bahaghari.(dedicated to all rainbow people)
Author: Zx

Home » Archives » December 2009

For you que-que :)

December 28, 2009

 

Tula para sayo

Gusto kong gawan ka ng tula
Kahit na kay hirap maging makata
Kahit  na hindi  magkaka-tugma
Para sa’yo pipilitin kung maging tama

Sa tuwing ika’y aking nakikita
Alam mo bang ako’y natutuwa?
Sa A.S.L lang  tayo’y nagsimula
Hanggang gusto mo na akong makita.

Gusto kong pagmasdan ka sa webcam.
Ang mukha mong kay sungit tingnan.
Tila ba daigdig mo’y pasan-pasan
Hoy! Sunget sige na, ngumiti ka naman!

Tatapusin ko ba ang tula na ito?
Oh’ ibibitin tulad ng damdamin ko
Hindi pa masabi, kung ano ang totoo
Kaya puede ba, magkulitan muna tayo?

Posted by bahaghariako at 1:11 pm | permalink | Add comment